July 10, 2007
tagalog dapat lahat. bear with me. (oso kasama ako??) xp hay. pagkatapos ko manood ng death note (kamatayan note (damn ang hirap itranslate!)), binasa ko lahat ng nakasulat sa blog (dayari/dayariya?) na ito. ako'y nawiwindang (hindi ko alam kung kasama ito sa diksyonaryong pinoy) dahil oo, inaamin ko, ang laki ng pinagbago ko. hinahanap-hanap ko ang kalog na aj noon, na naging si jul ngayon, at si jam na hindi ko alam kung saang baul ko nakuha, o kung ano pa mang pangalang gagamitin ko bilang screen-name (screen,, ano ba sa tagalog yun?? uhm.. tabing?? as in silverscreen, pinilakang tabing, o sige lumalayo na ko sa topic.. o topikiya, pwe ang hirap pala magtagalog!). parte ba 'to ng pagbibinata? haha. hindi, sa totoo lang ha, tumatanda na nga ako (oy oy oy asa ka labingwalong taong gulang palang ako!), at naging seryoso, at sa bawat tuldok ng petsa sa kalendaryo (archives) ng blog (wag na itranslate) na ito, alam ko lang sa sarili ko na naging sobrang malungkutin nga ako. mula sa bawat pagpihit ng oras na nagbabago ang skin (balat) ng dayariyang (parang sakit, ano sa tingin niyo?) ito, ay nagbabago rin ang damdamin ko. alam niyo bang ang art (arte) ay ekspresyon ng mga saloobin ng bawat tao? kaya mahalaga sa akin na ako mismo ang gumagawa at nagpapakahirap gumawa ng mga balat nito, kasi akin itong pahinang-sapot* na ito!!! (hindi ako galit!) dahil isang parte ng puso ko, naririto, mga bagay na hindi ko masabi minsan (o nakakalimutan kong ichismis! haha) nandito! at sa bawat pakikipagsapalaran (whew) ay marami naman akong natutunan. hindi na ko gaanong tanga. kung saan saan na rin ako napunta. marami narin akong nakilala. pero, hindi laging masaya. kaya ako malungkot. at saka ko lang naisip, tanga parin ako. (o wag masyadong feeling close (nagmamalapit.. hehe may ganun ba?) a!, ako lang pwedeng tumawag sa sarili ko nyan!). at syempre, binawi ko yun. (haha!), hindi ako tanga! (ano ba talaga kuya?), nawalan lang ng landas. sa inyong lahat, hindi lahat ng bagay, may dahilan at ang mga bagay na hindi nasasagot ng simpleng pagmamarunong ay huwag ipilit at pag-awayan pa! sa huli, talo ka parin, malungkot ka na, wala ka pang pera, eh kung may Diyos ka, astig ka na, panalo ka pa!
*webpage